Halimbawa ng Sanaysay sa Wika

Ang isang sanaysay ay isang takdang-aralin na ibinigay sa mga mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad na magsulat ng isang tiyak na bilang ng mga pahina sa isang paksa, karaniwang bilang bahagi ng mga kinakailangan para sa isang degree.

Contents

Halimbawa ng Sanaysay sa Wika

Narito ang halimbawa ng sanaysay tungkol sa Wika.

Kahalagahan ng pagpapanatili ng mga Katutubong wika”

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop o malansang isda”. Gasgas at sirang plaka ng maituturing ang mga katagang ito at ‘di na marahil bago sa pandinig nating mga Pilipino ang mga salitang na namutawi mismo sa bibig ng ating pambansang bayani. Nakagagalak na karamihan sa atin ay isinasabuhay ito, halimbawa na ang pagdaraos ng selebrasyon ng buwan ng wikang pambansa o ang simpleng paggamit ng ating ibat- ibang wika sa pangaraw-araw na talastasan. Napakalaking bagay para sa ating mga Pilipino ang pagbibigay kahalagahan sa ating wika kabilang na ang mga katutubong wika sa katunayan nga ay bahagi ito ng naturing na selebrasyon ng buwan ng wika ayon sa balitang binasa. Lampas sa sampung daliri kung bibilangin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng katutubong wika.

Bilang isang Tausug namulat ako sa katutubong wika namin dahil ginagamit ito sa arawaraw na pakikipag-ugnayan sa tahanan at sa mga taong kadalasang nakasasalamuha ko. Ang mga katutubong wika ay pangunahing tulay ng komunikasyon sa isang tiyak na lugar, kung hindi ito bibigyang halaga maaring dumating ang araw na di na magkaunawaan ang mga tao sa isang komunidad, sa madaling salita ang pinakapayak na paraan sa pagpapahalaga ng katutubong wika ay ang paggamit nito. Mahalaga rin ang mga katutubong wika dahil sa kabila ng pagsubok ng panahon ay nanatili ito, hindi rin lahat ng tao sa Pilipinas ay ang wikang Filipino ang wikang unang kinagisnan, may mga pangunahin at katutubong wika rin na galing pa sa ating mga ninuno na sumasagisag sa lahing pinanggalingan ng isang indibidwal, kung kaya’t nararapat din na bigyan nating pansin at halaga ang mga katutuong wika. Ang mga katutubong wika rin ay sumasalamin sa kultura, paniniwala at tradisyon ng isang tiyak na pangkat ng tao at ito ay isang mabisang patunay makulay ang ating kultura. Matagumpay na napanitili ng ating mga ninuno ang mga wika natin kung kaya bilang kabayaran, gawin natin ang ating bahagi sa pamamagitan ng paggamit ng ating katutubong wika sa abot ng ating makakaya at siguradhin nating maibabahagi ito hindi lamang sa ibang tao pati na rin sa mga susunod pang henerasyon. Kadalasan ay naisasantabi ang mga nakalakihang wika natin dahil na rin naiiba ito at kailangan natin gumamit ng wikang panlahat tulad ng Filipino ngnunit hindi ito hadlang upang di mapaunlad ang mga katutubong wika. Maari tayong magsaliksik ng mga kaalaman tungkol sa ating katutubong wika at ibahagi natin ang mga kaalamang ito sa mga di marunong magsalita ng ating wika. Palawakin natin ang saklaw na mga salita at aralin ang wastong mga tuntunin na dapat sundin sa paggamit ng katutubong wika.

Related  Halimbawa ng Sanaysay tungkol sa Edukasyon

Iilan lamang ang mga nabanggit na paraan upang mapanitili at mapahalgahan ang mga katutubong wika, kung magiging responsable at maparaan tayo ay tiyak na mas marami pang ibang bagay na maring gawin upang maipakita ang ating pagpapahalaga rito. Dumanas man ng labis na hirap at pagsubok sa di mapipgilang pagbabagong dala ng panahon di kailanman natinag ang isang bagay na tulay ng ating pagkakaisa, ang wika. Sumasalamin ito sa ating pagkatao at ang nagpapabukod tangi sa atin mula sa ibang lahi kaya ang pagsasawalang bahala at paglimot sa mga katutubong wika ay siya ring paglimot sa ating pagkakaisa, pagsubok na nagpatatag sa atin at sakripisyo ng ating mga ninuno. Kaya bilang Pilipino, hangad ko na magkaisa tayo upang palaguin ang mga yamang mula sa ugat ng ating pagkatao.

Wika ang daan sa mapayapang lipunan

Ang wika ay isang daan upang tayo ay makapagpahayag ng ating emosyon, damdamin, saloobin, at opinion. Ito ang nagiging daan upang tayo ay makapag halubilo sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan. Kung ganun, ano naman ang connection ng wika sa isang mapayapang lipunan?

Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ito rin ay isang pangkat ng mga taong nagtutulunugan at nagkakaisa. Sa koneksyon ng lipunan sa wika, masasabi ko na ang wika ay ang naging daan upang ang mga tao sa isang lipunan ay nagkakaroon ng pagkakainitindihan sapagkat sila ay malayang nakakapagpahayag ng kanilang mga saloobin sa kanilang kapwa. Sa pamamagitan ng mga simpleng bagay na ito ang isang mapayapang lipunan ay nakakamit sa tulong ng wika sapagkat ang wika ay ang dahilan kung bakit mayroong mabuting ugnayan ang mga tao na nakatira sa tiyak na pamayanan. Nagagawa nito pag samasamahin ang mga tao sa pamamagitan ng wikang ginagamit upang magkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.Ang mapayapang lipunan ay isa sa mga hinahangad ng karamihan dahil sino naman ba ang ayaw manirahan sa isang mapayapang lipunan?

Related  Bugtong Bugtong: 100+ halimbawa ng bugtong na may sagot

Dahil sa wika, ang mga lipunan ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan sa isa’t isa sapagkat sila ay nakikipagtalastasan sa isa’t isa tungkol sa kanilang ideya, karansan, damdamin, at saloobin. Sa pamamagitan nito ang relasyon nila ay mas lumalalim at nagkakaroon ng halaga, ito rin ang sangkap upang magkaroon ng isang mapayapang lipunan.

Basahin ang iba pang halimbawa ng Sanaysay

Edukasyon ay Ginto (Sanaysay sa Edukasyon)

Ang Masayang Paglalakbay/ Paglalakbay sa Cebu (Sanaysay sa Paglalakbay)

Leave a Comment