Sa sanaysay, binigyan ang manunulat ng isang hanay ng mga tagubilin sa kung gaano katagal magsulat, anong paksa ang sasaklawin, at kung anong mga tukoy na punto ang dapat gawin. Basahin ano ang Sanaysay at mga bahagi nito.
Contents
Mga halimbawa ng Sanaysay tungkol sa Paglalakbay
Narito ang ilang mga sanaysay patungkol sa paglalakbay.
Ang Masayang Paglalakbay
by: JG
Ilang araw na paglalakbay na habang buhay na nakatatak sa puso’t isipan. Ang paglalakbay na hindi malilimutan kailanman. Kakaibang saya ang hatid nito sa ating buhay hindi lamang dahil may napuntahan tayong maganda kundi dahil nakasama natin ang ating buong pamilya. “Happiest place on Earth” ang bansag sa lugar na ito dahil kahit saan ka man lumingon, bakas ang mga ngiti ng mga tao na dumadayo dito.
Tandang tanda ko pa ang bawat nangyari nung kami ay pumunta sa Hongkong Disneyland. Bilang isang bata nung panahon na iyon ay napakasaya ko na dahil pangarap ko ang makapunta sa lugar na iyon dahil alam ko na marami akong makikita na Disney Characters. Noong pagkakita ko palang ng plaka na nagsasabing “Welcome to Disneyland” ay hindi ko na maipaliwanag ang saya na naramdaman ko dahil natupad na ang pangarap kong makapunta doon. Hindi ko rin malilimutan ang paglalakbay na ito dahil nakasama ko ang aking buong pamilya. Wala nang mas hihigit pa sa memorya na kasama mo sa paglalakbay ang mga taong mahal mo.
Ang naging realisasyon ko sa paglalakbay na ito ay hindi importante kung saan man kayo pumunta. Basta’t kasama mo ng iyong pamilya ay napakahalaga na iyon. Maging sa local o ibang bansa man ito, kailangan nating sulitin ang oras ng bakasyon at mag enjoy dahil di na natin mababalikan ang oras. Tanging memorya na lamang sa pamamagitan ng mga larawan ang pwede nating balikan. Nakakapagod man ang paglalakbay na ito pero napaka “worth it” naman dahil sa sobrang daming magandang tanawin at magandang mga aktibidad ang pwedeng gawin dito.
Paglalakbay sa Cebu
by: JJ
Ang Lungsod ng Cebu ay ang kabisera ng lalawigan ng Cebu sa Pilipinas at ang ikalawang pinakamahalagang sentrong urbano ng bansa. Kami ay naglakbay sa Cebu City upang makita ang mga magagandang tanawin doon at maglaro ng paborito kong isport-ang Football.
Noong ika-2 ng Nobyembre 2018, ako ay naglakbay patungong Cebu City para makipagkumpetensya sa larong football laban sa lahat ng Ateneo sa buong Pilipinas. Pumunta kami sa Ateneo De Cebu at doon kame nanatili at ito ang nagsilbing mga dorm namin. Ika-3 ng Nobyembre ay nakaharap namin ang Admu o Ateneo De Manila University, binigay naming ang lahat pero sila parin ang nanaig sa laban dahil na mas magaling sila at kulang kame sa karanasan dahil sa Manila sila ay kompleto ang mga kagamitan at andoon din ang mga malalakas na mga manlalaro sa buong Pilipinas. Noong susunod na laro, kame ay nanalo na laban sa Ateneo De Iloilo. Sumunod doon ay tinalo namin ang Xavier University para makuha ang pangatlong pwesto. Pagkatapos naming mag laro ay kame ay namasyal sa mga magagandang tanawin doon. Kame ay napadpad sa Fort San Pedro, isa itong dipensa military na istraktura sa Cebu City. Kame rin ay pumunta sa Sirao Flower Farm kung saan dito ay may iba’t ibang klase ng mga bulaklak na kaakit-akit sa mata.
Bilang isang mag aaral ay napaka saya ko dahil ko ay nakarating sa lugar na ito at nais kong malaman ng mga tao kung gaano kaganda ang lugar na ito at gusto ko rin na makita nila ang ganda ng mga tanawin sa Cebu City.