Bugtong Bugtong: 100+ halimbawa ng bugtong na may sagot

Ano ang bugtong? Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).

Ang bugtong o tinatawag na riddles sa english ay isang parirala o pangungusap na patula o tuluyan at naglalaman ng mga talinghaga

Mga Bugtong Tungkol sa Hayop

1. Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.
Sagot: Pusa

2. Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam

3. Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.
Sagot: Paniki

4. Tiniris mo na inaamuyan pa.
Sagot: Surot

5. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.
Sagot: Bibe

6. Anong hayop ang dalawa ang buntot?
Sagot: Elepante

7. Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang katawan ay uod, ang paa ay lagare.
Sagot: Tipaklong

8. Naghanda ang katulong ko, nauna pang dumulog ang tukso.
Sagot: Langaw

9. Eto na si bayaw dala-dala’y ilaw.
Sagot: Alitaptap

10. Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon, aling kahoy sa gubat ang nagsasanga’y walang ugat?
Sagot: Sungay ng usa

11. May ulo’y walang buhok, may tiyan walang pusod.
Sagot: Palaka

12. Alin itlog ang may buntot?
Sagot: Lisa

13. Dala-dala mo siya pero kinakain ka niya.
Sagot: Kuto

14. Yao’t dito, roo’y mula, laging ang ginagawa’y magtago at mamulaga sa matatanda at sa bata.
Sagot: Unggoy

15. Kung kailan tahimik saka nambubuwisit.
Sagot: Lamok

16. Hindi naman platero, hindi naman panday, lapat ang buhay.
Sagot: Talaba

17. Tungkod ni Kapitana, hindi mahawakan.
Sagot: Ahas

18. Kinain ko ang isa, ang itinapon ko ay dalawa.
Sagot: Talaba

19. Bata pa si Nene marunong nang manahi.
Sagot: Gagamba

20. Nang kainin ay patay, nang iluwa’y buhay.
Sagot: Bulate

21. Alin sa mga ibon ang di nakadadapo sa kahoy?
Sagot: Pugo

22. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso

23. Bagama’t maliit, marunong nang umawit.
Sagot: Kuliglig

24. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko ay gatas din ng anak mo.
Sagot: Baka

25. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling.
Sagot: Kalapati

26. Dala mo’t sunong, ikaw rin ang baon.
Sagot: Kuto

27. Ang abot ng paa ko’y abot rin ng ilong ko. Anong hayop ako?
Sagot: Elepante

28. Kung manahi ‘y nagbabaging at sa gitna’y tumitigil.
Sagot: Gagamba

29. Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas.
Sagot: Gamu-gamo

30. Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo ay tiyak mangangati ang balat mo.
Sagot: Higad / Tilas

Related  Ano ang Talata: Paano gumawa nito?

Mga Bugtong Tungkol sa Katawan

1. Dalawang magkaibigan mahilig mag-unahan.
Sagot: Dalawang Paa

2. Tubig na pinagpala walang makakuha kundi munting bata.
Sagot: Gatas ng Ina

3. Tatal na munti panggamot sa kati.
Sagot: Kuko

4. Limang magkakapatid laging kabit-kabit.
Sagot: Daliri

5. Isang balong malalim puno ng patalim.
Sagot: Bibig

6. Limang magkakapatid, iisa and dibdib.
Sagot: Kamay

7. Aling bahagi ng katawan ang di naaabot ng kanang kamay?
Sagot: Kanang Siko

8. Dahon ng pindapinda magsinlapad ang dalawa.
Sagot: Tenga

9. Isang bakud-bakuran sari-sari ang nagdaan.
Sagot: Ngipin

10. Isang bundok hindi makita ang tuktok.
Sagot: Noo

11. Aling parte ng katawan ang di nababasa?
Sagot: Utak

12. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata

13. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa

14. Nakatago na, nababasa pa.
Sagot: Dila

15. Anong bunga ang malayo sa sanga?
Sagot: Bungang-araw

16. Natawa ang nagbigay nagalit ang pinagbigyan.
Sagot: Utot

17. Dalawang balon hindi malingon.
Sagot: Tenga

18. Dalawang batong maitim, malayo ang nararating.
Sagot: Mata

19. Munting bundok, hindi madampot.
Sagot: Tae

20. Dalawang tindahan, sabay na binubuksan.
Sagot: Mata

21. Isang bayabas, pito ang butas.
Sagot: Mukha

22. Halamang di nalalanta kahit natabas na.
Sagot: Buhok

23. Dalawang magkaibigan, nasa likod ang mga tiyan.
Sagot: Binti

24. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin

25. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina

26. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga

27. Dalawang libing, laging may hangin.
Sagot: Ilong

28. Dalawang bolang sinulid abot hanggang langit.
Sagot: Mata

29. Maliliit na sugat sa bibig
Dahil sa tag-init at di sa taglamig.
Sagot: Singaw

30. Bahay ni Kaka, hindi matingala.
Sagot: Noo

Mga Bugtong Tungkol sa Gulay

1. Bahay ng anluwagi, Iisa ang haligi.
Sagot: Kabute

2. Maganda kong senyorita, susun-suson ang saya.
Sagot: Puso ng saging

3. Baboy sa kaingin, natapo’y walang pagkain.
Sagot: Kalabasa

4. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi

5. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili

6. Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili

7. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw

8. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya

9. Puno ko sa probinsya, puno’t dulo ay mga bunga.
Sagot: Puno ng Kamyas

10. Isda ko sa Maribeles, Nasa loob ang kaliskis.
Sagot: Sili

11. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
Sagot: Talong

12. Habang aking hinihiwa, ako ay pinaluluha.
Sagot: Sibuyas

Related  Halimbawa ng Talata sa Sarili, Wika, Pandemya at Pamilya

13. Ikaw na humihiwa-hiwa ay siya pang lumuluha.
Sagot: Sibuyas

14. Kangkong, reyna kangkong,
Matulis ang dahon ang bunga ay dupong.
Sagot: Talong

15. Gulay na may arte ang porma, berdeng buhok tinirintas sa umaga.
Sagot: Sigarilyas

16. Nang maliit ay paruparo
Nang lumaki ay panali mo.
Sagot: Sitaw

17. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili

18. Nakabaging na gulay
Karaniwang berde ang kulay
Bibitin-bitin sa halamanan
Pantali sa sapatos ni Belay.
Sagot: Sitaw

19. Paruparo noong maliit pa
Bulate nang tumanda na.
Sagot: Sitaw

20. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa

Mga Bugtong Tungkol sa Prutas

1. Hugis-puso, kulay ginto, anong sarap kung kagatin, malinamnam kung kainin.
Sagot: Mangga

2. Bahay ni Margarita, naliligid ng Sandata.
Sagot: Pinya

3. Kampanilya ni Kaka, laging mapula ang mukha.
Sagot: Makopa

4. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha

5. Kung tawagin nila’y santo hindi naman milagroso.
Sagot: Santol

6. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing

7. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog

8. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng Saging

9. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging

10. Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera.
Sagot: Dahon ng Saging

11. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas

12. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok

13. Magkapatid na prinsesa, lahat nama’y pawang negra.
Sagot: Duhat

14. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat

15. Maasim talaga ang kanyang bunga, may sampal na kasama mula sa ada.
Sagot: Sampalok

16. Nakabaluktot na daliri sa sanga ay mauuri.
Sagot: Sampalok

17. Gulay na kay tamis,
Maputi ang kutis.
Sagot: Singkamas

18. Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
Sagot: Puno ng saging

19. Matamis na gulay
Puting-puti ang kulay
Sa lupa pa hinuhukay.
Sagot: Singkamas

20. Nang ihulog ay buto,
Nang hanguin ay trumpo.
Sagot: Singkamas

Mga Bugtong Tungkol sa Bagay

1. Buto’t-balat, lumilipad.
Sagot: Saranggola

2. Kung gabi ay malapad, kung araw ay matangkad.
Sagot: Banig

3. Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala.
Sagot: Sapatos

4. Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Ngunit kung ako’y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.
Sagot: Kandila

5. Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman.
Sagot: Kabaong

6. Nang hatakin ang baging, nagkagulo ang matsing.
Sagot: Kampana ng simbahan

7. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Sagot: Sinturon

8. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: Ilaw

Related  Lakbay Sanaysay Halimbawa

9. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper

10. Sa umaga ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon.
Sagot: Bahay

11. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos

12. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: Kulambo

13. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: Kumpisalan

14. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: Batya

15. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta

16. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Bote

17. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok

18. Dalawang ibong marikit, nagtitimbangan sa siit.
Sagot: Hikaw

19. Isa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan.
Sagot: Kamiseta

20. Isang uhay na palay, sikip sa buong bahay.
Sagot: Lampara

21. Kadena ay sinabit, sa batok nakakawit.
Sagot: Kwintas

22. Ikinakabit ito sa regalo, isinasabit sa buhok ni Amparito.
Sagot: Laso

23. Ang laylayan ay maikli, patalikwas pa ang lupi.
Sagot: Pantalon

24. Dalawang pinipit na suman, nagmula sa puklo at hindi sa baywang; magingat ka katawan at baka ka mahubaran.
Sagot: Pantalon

25. May dila nga ngunit ayaw namang magsalita. Kambal sila’t laging magkasama ang isa’t isa.
Sagot: Sapatos

26. Ang ngalan ko ay iisa, ang uri ko’y iba-iba, gamit ako ng balana, sa daliri makikita.
Sagot: Singsing

27. Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ng kapit.
Sagot: Sinturon

28. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sombrero

29. Buka kung hapon, kung umaga ay lulon.
Sagot: Banig

30. Lumakad walang paa, tumatangis walang mata.
Sagot: Bolpen

31. Aling dahon sa mundo, Ang iginagalang ng tao?
Sagot: Watawat

32. Kung gabi ay hinog, sa araw ay hilaw.
Sagot: Bombilya

33. Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
Sagot: Watawat

34. Apat katao, iisa ang sombrero.
Sagot: Bahay

35. Hindi hayop, hindi tao, kung ituring ay kabayo.
Sagot: Kabayong plantsahan

36. Kabaong na walang takip, sasakyang nasa tubig.
Sagot: Bangka

37. Isang biyas na kawayan, maraming lamang kayamanan.
Sagot: Alkansiya

38. Baboy ko sa Bukidnon, kung hindi sakya’y hindi lalamon.
Sagot: Kudkuran ng niyog

39. Dumaan si Tarzan, bumuka ang daan.
Sagot: Zipper

40. May apat na binti ngunit hindi makalakad.
Sagot: Lamesa

Para sa iba pang mga bugtong maaaring bisitahin ang https://aralinph.com/bugtong/.

Leave a Comment