Ang talata ay tumutukoy sa kalipunan ng mga pangungusap. Ang bawat pangungusap ay magkakaugnay. Narito ang mga halimbawa ng mga Talata sa Wika, Pamilya, Sarili at Pandemya.
Contents
Halimbawa ng Talata
Talata tungkol sa Wika
Ang wika ay may napakalaking papel na ginagampanan sa ating buhay. Ito ay ang paraan sa pakikipagtalastasan kung saan naipapahiwatig natin ang ating mga saloobin, ideya at opinyon sa ibang tao. Ito rin ang paraan upang maunawaan natin ang mga taong nakapaligid saatin. Ang wika ay nagbibigay kaliwanagan at kalinawan sa ating buhay. Nagsisilbi rin itong tulay upang maliwanagan tayo tungkol sa mga bagay na di natin alam at higit sa lahat tulay ito ng pagkakaisa. Dahil sa mga ugnayang ito at pagkakaintindihan ay mas iigting ang ating samahan at relasyon sa ating lipunang ginagalawan. Sa madaling salita, ito ang pundasyon ng komunikasyon.
Talata tungkol sa Pamilya
Ang pamilya ang iyong sandigan. Maraming tao ang dadaan sa ating buhay ngunit walang kapantay ang iyong mga mahal sa buhay. Hindi ka nila iiwan, lalo na’t sa oras ng iyong pangangailangan. Kayo man ay may di pagkakaunawain ngunit hindi ito kabawasan sa pagmamahalan. Datapuwa’t ito ay pagsubok lamang na kailangan nyong lampasan. Balibaliktaran man ang mundo, sila ang magiging kakampi mo. Kaya pahalagahan ang iyong pamilya at wag silang pababayan.
Talata tungkol sa Pandemya
Ang Pandemya ay nagdulot ng kapihagtian ngunit may dala rin itong kabutihan. Maraming nawalan ng pagkakakitaan, mga mahal sa buhay na tuluyan ng nagpaalam, ngunit ito ay may aral na naidulot sa ating lahat. Ang pandemya ay nagturo sa bawat isa sa atin ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagkakapatiran sa oras ng pangangailangan. Ito rin ang naging daan upang mas mapalapit tayo sa May Likha sa atin. Tayo ay sinubok ngunit nananatiling matatag sa hamon ng buhay. Masakit, mapait, at malungkot ang nagawa ng pandemya, ngunit ito ay may naidulot din na maganda.
Talata tungkol sa Sarili
Ako ay si Carlo Katogbak. Nag aaral ako sa mababang paaralan sa Tabak Elementart School. Ako ay maliit at payat na pangangatawan. Mabilog ang aking mata at medyo may kaputian ang aking balat. Bunso ako sa apat na magkakapatid. Hilig ko ang magbasa at magsulat. Nais ko sa aking paglaki ay maging isang doktor upang makatulong sa mga mahihirap.